^

PSN Palaro

Fajardo balik-Gilas training

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang sumama kagabi si June Mar Fajar­do sa ensayo ng Gilas Pilipinas na kukumpleto sa hanay ng mga big men na ikukunsiderang kunin ni coach Tab Baldwin para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena sa July 5-10.

Muling makakasabay ni Fajardo, miyembro ng Gilas na sumabak sa FIBA World Cup sa Spain noong 2014, sa training si nine-year NBA veteran Andray Blatche.

Ang tambalan nina Fa­jardo, ang reigning back-to-back PBA MVP winner, at Blatche ang bubuo sa isang matangkad na Gilas frontline tandem na tatapat sa kanilang makakalaban sa Manila OQT kagaya ng France, New Zealand, Canada, Turkey at Senegal.

Ang iba pang frontliners sa Gilas training pool ay sina Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris at Troy Rosario, habang inaasahang ibababa si Calvin Abueva sa small forward position.

Si Moala Tautuaa ay isang backup naturalized player at si Raymond Almazan ang pinakabagong idinagdag na practice player.

Mas lumaki sana ang Gilas Pilipinas kung hindi lamang inoperahan ang injury ni seven-foot Greg Slaughter.

Sina Blatche, Fajardo, Pingris, De Ocampo at Aguilar ang tumindig sa frontline ng Gilas sa nakaraang World Cup.

Hindi naglaro sina Fajar­do at Aguilar noong 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha kung saan naging malamya ang ipinakita ng wala sa pormang si Blatche.

Sinabi ni Baldwin na ikukunsidera niya ang pinagmulang injury nina Fajardo at Jeff Chan.

“These guys will have to work themselves to shape,” wika ni Baldwin.

Makikipag-agawan si Chan sa puwesto sa Gilas laban kina Abueva, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Ryan Reyes at Ray Parks.

UNIVERSAL REALITY COMBAT CHAMPIONSHIP’S FIGHT NIGHT

URCC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with