^

PSN Palaro

Sa kabila ng home court advantage Warriors kabado sa Thunder

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, California-- Ngayong season ay tatlong beses pa lamang natalo ang Golden State Warriors sa kanilang Oracle Arena.

Subalit hindi masyadong nagkukumpiyansa si Warriors head coach Steve Kerr dahil kalaban nila sina Kevin Durant, Russell Westbrook at ang mas matangkad na Oklahoma City Thunder.

“It’s going to be a hard game. If we thought tonight was hard, Game 7’s going to be even tougher,” sabi ni NBA MVP Stephen Curry.  “Everybody on both sides of the ball is going to leave it all out on the floor. It’s win or go home. So we can’t expect just because we’re at home that we can just show up and win” dagdag pa nito.

Sa kanilang 108-101 tagumpay sa Game 6 noong Sabado sa Oklahoma City at humataw si Klay Thompson ng playoff-record 11 three-pointers para tumapos na may 41 points.

“Lot of people probably counted us out,” wika naman ni Thompson.

Nakatutok naman ang Oklahoma City sa kanilang unang NBA Finals matapos matalo kay LeBron James at sa Miami Heat noong 2012.

Hinihintay ngayon ni James at ng Cavaliers ang mananalo sa pagitan ng Warriors at Thunder para sa 2016 NBA Finals.

Sinabi ng Warriors na mababalewala ang kanilang mga nakuhang karangalan at personal accomplishments sa isang espesyal na season kung hindi nila makakamit ang back-to-back NBA championship.

Kailangan pa nila ng isang panalo para maging pang-10 koponan na nakabalik mula sa 1-3 postseason deficit.

“I’ve learned that our players are tough, they’re mentally tough,” sabi ni Kerr. “I don’t know if I really learned that. I already knew that. But they’ve firmly confirmed that. It’s been a great comeback. Now we still have to play. We still have another game.”

Sinabi ni Kerr noong nakaraang linggo na iba ang kanyang koponan sa mga tropang nagpilit makabangon buhat sa 1-3 pagkakaiwan sa serye.

Mas gusto sana ng Thunder na tapusin ang serye sa kanilang tahanan para hindi na bumiyahe pabalik sa Oakland.

Naituro na ni first-year coach Billy Donovan sa Thunder ang kailangang gawin para manalo sa ta­hanan ng kanilang kalaban.

At  nagawa na nila ito sa Game 1 sa Oracle Arena.

ANDRAY BLATCHE

FIBA

FIBA OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

GILAS PILIPINAS

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with