MANILA, Philippines – Nang maiposte ng Beermen ang 17-point lead sa first period ay halos isuko na ni Elasto Painters’ coach Yeng Guiao ang laro.
Ngunit hindi nawalan ng loob ang kanyang mga bataan.
Binawian ng Rain or Shine ang San Miguel, 98-94, sa Game One ng kanilang semifinals showdown para sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humugot si Fil-Nigerian rookie Maverick Ahanmisi ng walo sa kanyang team-high na 23 points sa final canto para ibigay sa Elasto Painters ang 1-0 abante sa kanilang best-of-five semifinals wars ng Beermen.
“I almost gave up on the guys but the guys did not give up on me. They proved their coach wrong as great as their import was playing, as great as June Mar (Fajardo) was playing we pulled out a win,” ani Guiao.
Kinuha ng San Miguel ang 26-9 abante sa first period at huling nakamit ang unahan sa 94-92 galing sa basket ni Fajardo sa 1:32 minuto hanggang maagaw ng Rain or Shine ang 95-94 abante sa huling 1:03 minuto ng fourth quarter.
Ang dalawang free throws ni Fil-Nigerian rookie guard Maverick Ahanmisi ang nagbigay sa Elasto Painters ng 97-94 bentahe sa natitirang 22 segundo ng labanan.
Samantala, bubuksan naman ng Meralco at Alaska ang kanilang semfiinals showdown ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.
Rain or Shine 98 - Ahanmisi 23, Henderson-Niles 13, Cruz 11, Chan 10, Almazan 8, Lee 8, Norwood 8, Quiñahan 7, Belga 4, Ponferada 4, Tiu 2, Ibañes 0, Nimes 0.
San Miguel 94 - Wilkerson 40, Fajardo 23, Cabagnot 15, Ross 7, Lassiter 3, Santos 3, Tubid 3, Espinas 0, Lutz 0.
Quarterscores: 17-33; 40-50; 72-75; 98-94.