MANILA, Philippines – Malaki ang naitulong ng sports sa kanya bilang isang matagumpay na sports at business leader.
Kaya naman muling inulit kahapon ni 1Pacman party-list nominee Dr. Mikee Romero sa sporting community na tutuparin ng party-list ang kanilang pangako na gagawing prayoridad ang national sports development.
“I’ve always loved and supported sports development in the country. What we need is a comprehensive grassroots plan to tap the youth in sports starting in schools and barangays,” ani Romero.
Sinuporta ni Romero, isa sa mga pinakabatang sports leaders ng bansa, ang sports sa pamamagitan ng kanyang Globalport Batang Pier team sa Philippine Basketball Association (PBA) at Manila Sharks polo team.
Maliban sa basketball ay natulungan din niya ang shooting na isa rin niyang paboritong sport.
“Through 1Pacman, I am seeking to represent the marginalized sectors of our society in Congress, aiming to focus not only in sports but also in education and job creation,” paliwanag ni Romero.
Ang 1Pacman, No. 25 sa balota, sa pangunguna ni Romero, ay nauna nang inendorso ng ilang sports personalities kagaya nina Gilas Pilipinas stalwarts Jason Castro at Terrence Romero at two-time PBA MVP James Yap.
Si Romero ay dating varsity player ng De La Salle University kung saan siya nagtapos ng Management degree.
Mayroon siyang masters degree sa Business Management mula sa Asian Institute of Management at dalawang doctorate degrees sa Business Administration and Political Economics mula sa International Academy of Management and Economics-Philippines at De La Salle University.
Tiwala si Romero na magkakaroon ang bansa ng mga world-class athletes katulad nina Manny Pacquiao, Lydia de Vega, Paeng Nepomuceno at Arianne Cerdena kung maisesentrto lamang ang pondo sa sports development at training.
“What we need is for the government to focus on developing young athletes and providing them venues to compete like the Palarong Pambansa. Many of our youth have the talent and skills but what they need is extensive training and opportunities to compete in high level tournaments,” wika ni Romero.
Sakaling manalo sa eleksyon ay pipilitin ni Romero na makapagbigay ng pondo para sa school at barangay-based sports programs.
“Wants to give back to the Philippine youth community,” wika ni Romero.