Asian Women’s Club Championship pasisinayaan ng drawing of lots

MANILA, Philippines – Handa na ang lahat pa­ra sa pagtataguyod ng bansa ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship tampok ang pagdara­os ng drawing of lots sa Miyerkules sa Foton showroom sa Quezon City.

Dadaluhan nina AVC technical delegate Jaksuwan Tocharoen at AVC mar­keting and development committee chairman Ramon “Tats” Suzara ang naturang programa na siyang magdedetermina ng mga koponang maglalaban-laban sa eliminasyon.

Hahatiin sa dalawang gru­po ang mga bansang ka­lahok.

Nakuha ng Foton ang ka­rapatang katawanin ang Pilipinas matapos mag­kam­peon sa Philippine Su­perliga Grand Prix.

Bilang host ng torneo, pi­nili ng Foton na lumaro sa Group A kasama ang 2015 seventh-placer Vietnam.

Ang iba pang koponan na hahataw sa Group A ga­yundin ang mga maglala­ban-laban sa Group B ay ma­kikilala matapos ang dra­wing of lots.

Wala pang opisyal na line­up ang Toplander ngunit posibleng muli nitong kunin ang American imports na si­na Lindsay Stalzer at Ariel Usher kasama si Kris­ty Jaekel.

Humingi rin ng tulong ang Foton sa iba’t ibang PSL teams upang maka­bu­o ng solidong koponan.

“The PSL is solidly behind Foton in its goal of for­ming the best team possible. They don’t want to just simply compete, but they want to make a serious run for the crown and make our country proud,” ani Suzara.

Maliban sa Pilipinas at Viet­nam, papalo rin ang Thailand, Japan, China, Chinese-Taipei, Kazakhstan, North Korea, Iran, Turkmenistan, Hong Kong, Indonesia at Malaysia.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) na magtaguyod ng Asian tournament.

Nauna nang ginanap sa bansa ang Asian Under-23 Women’s Cham­pionship sa Philsports Are­na sa Pasig City.

“Since the PSL is the on­ly club league in the country and a major stake­hol­der of the LVPI, it is on­ly fitting that we entrust them the hosting of the big­gest club tournament in Asia. We’re optimistic that the PSL can pull it off. The entire LVPI board is completely behind them in this endeavor,” ani LVPI President Joey Romasan­ta.

Show comments