^

PSN Palaro

Lahat nakatutok sa Navy-Standard Insurance

JVillar - Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY, Philippines --Pipilitin nina Ronald Oranza at Rudy Roque ng Navy-Standard Insurance na mapatibay ang kapit sa kanilang overall lead sa pagpadyak ng Visayas Leg ng LBC Ronda Pilipinas 2016 sa pamamagitan ng 121.50-kilometer Stage Three ngayon na magsisimula sa Iloilo Business Park at matatapos sa Robinson’s Mall sa Roxas City.

Inangkin nina Oranza at Roque ang unang dalawang stages matapos pagharian ng una ang Stage One criterium sa Bago City, Negros Occidental noong BIyernes at nagbida naman ang huli sa Stage Two criterium noong Lunes para magsosyo sa general classification lead sa magkatulad nilang 28 points.

Patuloy na isusuot ni Oranza, pumangalawa kay Roque sa Stage Two, ang LBC red jersey matapos magsumite ng mas mabilis na tiyempong 2 oras, 16 minuto at 50.69 segundo kumpara sa 2:16:50.77 ni Roque na pumangalawa sa Stage One.

Ang isang stage win ay katumbas ng 15 points, habang ang second place finisher ay may 13 points.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with