Mikee Romero palalawakin ang sports program

MANILA, Philippines – Kumpara sa ibang pulitiko, ibahin natin si businessman/sportsman Mikee Romeo ng partylist na 1-Pacman.

Sinabi ni Romeo na kung  mananalo siya bilang partylist congressman ay imbes na kunin ang kanyang buwanang suweldo ay ibibigay niya ito sa mga pampublikong hospital ka­tulad ng Philippine General Hospital, Philippine Heart Center, National Kidney Center at iba pa.

Hindi lamang ito ang tiniyak ng 44-anyos na si Romeo na kanyang gagawin sakaling mailuklok sa Kongreso sa darating na National Elections sa Mayo

Siniguro ni Romeo, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Globalport 900, Inc. at Vice-Chairman ng AirAsia Philippines, na ang bawat pondong kanyang makukuha ay ididirekta niya sa edukasyon, sa pag­papalaganap ng sports at paglikha ng trabaho para sa mga mahihirap.

Isinusulong ng 1-Pacman partylist, sinusuporta­han ni boxing superstar Manny Pacquiao, ang pagpapalaganap at pagpapa­lakas sa sports, edukasyon at trabaho.

Naniniwala si Romero at ang 1-Pacman partylist ang solusyon sa pagpuksa sa illegal drugs ay ang prevention o pag-iwas dito.

Tutulungan din ni Ro­mero ang puspusang  pag­sasanay ng ating mga national athletes para sa pag­lahok sa Southeast Asian Games, Asian Games, Olympic Games at iba pang international sports events.

Sinabi pa ni Romeo, may Masters Degree sa Business Management mula sa Asian Institute of Management, na dapat ding bigyang prayoridad ng PSC  ang pagsasanay sa ating mga atletang malaki ang ating potensyal na manalo ng gintong medalya.

Ilan sa mga ito ay boksing, billiard, track and field, wushu, golf, baseball at swimming.

Show comments