Condura Marathon sa Linggo

MANILA, Philippines – Tatakbo ang mga pa­ngu­­nahing runners ng ban­sa pati na ang mga si­kat na bituin ng telebisyon at pe­likula sa Condura Sky­way Marathon 2016 Run For a Hero sa Linggo sa Filinvest City, Alabang.

Ilan sa mga susubok na biguin ang mga bigating Ken­yan runners ay ang mga top marathoners na si­­na  Ri­chard Salano, Alley Qui­say, Mary Joy Tabal, Ma­ry Grace Delos Santos at ang top Filipino finishers sa 42K race noong isang taon na sina Rafael Poliquit Jr.  at Miscelle Gilbuena.

Ang top male at female finishers sa 42K  Open at Fi­lipino categories ay mag-uuwi ng tig-P25,000 premyo.

Ang mga runner-up ay magbubulsa ng P15,000 at ang mga magtatapos sa pangatlong puwesto ay tatanggap ng P10,000, ha­­bang may cash prize rin para sa  top 3 ng Open at Filipino category sa 21K race.

Show comments