Condura Marathon sa Linggo
MANILA, Philippines – Tatakbo ang mga pangunahing runners ng bansa pati na ang mga sikat na bituin ng telebisyon at pelikula sa Condura Skyway Marathon 2016 Run For a Hero sa Linggo sa Filinvest City, Alabang.
Ilan sa mga susubok na biguin ang mga bigating Kenyan runners ay ang mga top marathoners na sina Richard Salano, Alley Quisay, Mary Joy Tabal, Mary Grace Delos Santos at ang top Filipino finishers sa 42K race noong isang taon na sina Rafael Poliquit Jr. at Miscelle Gilbuena.
Ang top male at female finishers sa 42K Open at Filipino categories ay mag-uuwi ng tig-P25,000 premyo.
Ang mga runner-up ay magbubulsa ng P15,000 at ang mga magtatapos sa pangatlong puwesto ay tatanggap ng P10,000, habang may cash prize rin para sa top 3 ng Open at Filipino category sa 21K race.
- Latest