MANILA, Philippines – Isang champion import ng Asean Basketball League ang hinugot ng Globalport para sa darating na 2016 PBA Commissioner’s Cup.
Ipaparada ng Batang Pier ni coach Pido Jarencio si Brian Williams, nakatambal ni Gabe Freeman sa paggiya sa San Miguel Beermen para sa korona ng ABL noong 2012 season.
“He’s referred by agents. We’re hoping we find in him the import we’re looking for. We need a dominant inside presence to help achieve our goal,” wika ni Jarencio.
Bago kumampanya para sa Beermen sa ABLay sumabak muna ang tubong Bronx, New York para sa Westports Malaysia Dragons sa ABL noong 2011 kung saan siya nagtala ng mga averages na 20 points at 14.3 rebounds.
Nanggaling ang center/forward ng University of Tennessee mula sa paglalaro sa Uruguay league.
Sinabi ni Jarencio na hangad ng Globalport na muling makapasok sa quarterfinal round kagaya ng kanilang nakamit sa nakaraang 2016 PBA Philippine Cup na pinaghariang muli ng San Miguel.
“The immediate goal is to make the quarterfinals then hopefully we’ll be able to match our semifinal finish in the Philippine Cup,” ani Jarencio. “The problem is that we’re preparing a bit late. All the other imports have long been in the country. Ours is just to start practicing with us,.”
Ang iba pang imports na mapapanood sa torneo ay sina Ivan Johnson (Talk ‘N Text), Malcolm Rhett (Blackwater), Denzel Bowles (Star), Malcolm Thomas (Meralco), Augustus Gilchrist (Mahindra), Othyus Jeffers (Ginebra), Al Thornton (NLEX), Wayne Chism (Rain or Shine), Rob Dozier (Alaska), Kenny Adeleke (Phoenix) at Tyler Wilkerson (SMB).