NEW ORLEANS -- Pinanatili ni Kobe Bryant ang kanyang kanang braso sa hangin, ang kanyang kamay ay kumakampay para sa follow-through mula sa isang 3-point shot sa huling minuto ng laro.
Pumasok ang tres ni Bryant at umangat ang Lakers ng anim na puntos patungo sa 99-96 panalo laban sa New Orleans Pelicans.
Tumapos si Bryant na may 27 points at 12 boards para sa ikalawang sunod na panalo ng Lakers.
“It was really special to be able to play in front of this crowd,” wika ni Bryant. “It makes me feel great. It makes me feel like all the hard work I put in through the years has been worth it.”
Binanggit ni Bryant, plano nang magretiro ngayong season, ang pagkakakilala niya sa isang bata sa sidelines na nagngangalang Kobe.
At ito ang lalo pang nagpasigla kay Bryant para sa kanyang farewell tour.
Naimintis ni Bryant ang isang free throw sa natitirang anim na segundo na nagbigay pa ng tsansa sa Pelicans na makapuwersa ng overtime.
Ngunit tumalbog ang tangkang tres ni Jrue Holiday sa pagtunog ng final buzzer.
Binanderahan ni Anthony Davis ang New Orleans sa kanyang 39 points at 11 rebounds subalit naimintis ang isang breakaway dunk sa fourth quarter.
Nalasap ng Pelicans ang kanilang pangatlong sunod na kamalasan.
Nagtala ang Pelicans ng 12-of-26 shooting sa free throw line.
“When we have as many breakdowns as we did, when we miss free throws, miss defensive assignments, we give them a chance to stay in the game and then they start getting confidence and feel like they can win,” sabi ni Davis. “That’s what happened tonight and they won.’’
Sa Auburn Hills, Michigan, nagsalpak si Anthony Tolliver ng isang 3-pointer sa huling 1:47 minuto ng laro para itaas ang Detroit Pistons at kunin ang 111-105 panalo laban sa New York Knicks.
Naisuko ng Pistons ang itinayong 27-point lead bago natakasan ang Knicks.
Nagdagdag si Reggie Jackson ng dalawang pang tres sa huling 90 segundo para tiyakin ang panalo ng Detroit.
Kinuha ng Knicks ang 97-95 abante mula sa layup ni Robin Lopez.
Ngunit tumikada si Tolliver ng mahalagang tres kasunod ang isa pang triple ni Jackson, tumapos na may 21 points. para ibigay sa Pistons ang 101-97 kalamangan.