Curry nag-init ang mga kamay

Tinangkang pigilan nina Marcin Gortat at Garrett Temple ng Wizards si Stephen Curry ng Warriors.

WASHINGTON -- Mu­ling nagpamalas ng kanyang outside sniping si Ste­phen Curry para tulu­ngan ang nagdedepensang Golden State Warriors sa pang-walong sunod na pa­nalo.

Nagsalpak si Curry ng 51 points at dinuplika ang kanyang career high na 11 three-pointers para igiya Warriors sa 134-121 pana­lo laban sa Washington Wi­zards.

Tumipa si Curry ng 13 sa kanyang unang 14 tira­da at nagtala ng 36 points sa halftime.

Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 24 points at kumolekta si Draymond Green ng 12 points at 10 rebounds.

Pinantayan ng defen­ding champion Warriors (45-4) ang nagawa ng 1966-67 Philadelphia 76ers para sa best 49-game start sa NBA history.

Binanderahan ni John Wall ang Wizards sa kan­yang season-high 41 points at 10 assists.

Sa San Antonio, nagpos­te si LaMarcus Aldridge ng 36 points para pa­munuan ang Spurs sa 27-0 record sa kanilang balwarte ngayong season matapos talunin ang New Orleans Pelicans, 110-97.

Naipanalo ng Spurs ang 36 sunod na laro sa ka­nilang tahanan simula no­ong nakaraang season.

Pumukol si Anthony Da­vis ng 28 points at 10 re­bounds para sa Pelicans.

Sa Oklahoma City, inilista ni Russell Westbrook ang kanyang pangatlong su­nod na triple-double sa tinapos na 24 points, career-high 19 rebounds at 14 assists para akayin ang Thunder sa 117-114 paglusot sa Orlando Magic.

Kumonekta si Kevin Du­rant ng isang 3-pointer sa natitirang segundo para magtala ng 37 points at tul­ungan ang Thunder na makuha ang kanilang ika-limang dikit na panalo.

Umiskor naman si Victor Oladipo ng 37 points sa panig ng Magic, naipatalo ang 14 sa kanilang huling 16 laro.

Sa Charlottee, kumo­lekta si Jeremy Lin ng 24 points at tinapos ng Hor­nerts ang five-game winning streak ng Cleveland Ca­valiers mula sa kanilang 106-97 panalo.

Nagtala si Michael Kidd-Gilchrist ng 11 points at 13 rebounds para sa Hor­nets, nalampasan ang nine-point halftime deficit sa Cavaliers, nakakuha ng 26 points kay Kyrie Irving.

Show comments