FIBA inimbita ang Pinas na maging aktibo sa 3x3

MIES - Maghahanap pa ng mga paraan si FIBA 3x3 director Alex Sanchez para maging aktibo ang Pilipinas sa fast-paced, 10-minute streetball game na nagtatampok sa isang 12-second shot clock.

Ito ay matapos mag-usap sina Sanchez at SBP exe­cutive director Sonny Barrios sa world governing body’s headquarters kamakailan.

“The sky’s the limit for 3x3 basketball as a global event,” wika ni Sanchez.

Idinagdag ni Sanchez, isang Spanish, na ang partisi­pasyon ng Pilipinas sa nakaraang dalawang FIBA 3x3 World Tour Finals at ang back-to-back World U18 Slam Dunk Championships ni Kobe Paras ay mga dahilan kung bakit gusto ng FIBA na maging aktibo ang bansa sa 3x3 events.

Ang Manila West, binubuo nina Terrence Romeo, Aldrech Ramos, K. G. Canaleta at Rey Guevarra, ang naging kinatawan ng Pilipinas sa World Tour Finals sa Tokyo noong 2014.

Naglaro naman ang Manila North, kinabibilangan nina Calvin Abueva, Vic Manuel, Troy Rosario at Karl Dehesa, sa Abu Dhabi noong 2015.

Noong Disyembre ay inimbitahan ng FIBA sina Kiefer Ravena, Jeron Teng, Bright Akhuetie at Ola Adeogun para maging kinatawan ng Pilipinas sa isang exhibition sa 3x3 All-Stars sa Doha.

Sinabi ng FIBA na ang 3x3 ay isang critical ingre­dient ng kanilang estratehiya para mapalaganap ito sa buong mundo.

 

Show comments