Alcantara-Rungkat duo pasok sa Finals

MANILA, Philippines – Patuloy ang magandang ratsada nina Filipino Francis Casey Alcantara at Indonesian Christopher Rungkat upang masiguro ang pagtuntong sa doubles finals ng $75,000 ATP Challenger Philippine Open na ginaganap sa Rizal Memorial Tennis Center.

Malakas na puwersa ang inilatag nina Alcantara at Rungkat upang patalsikin sina Marco Chiudinelli ng Switzerland at Lukas Lacko ng Slovakia sa bisa ng 6-3, 6-2 panalo sa kanilang quarterfinal game.

Awtomatikong umusad sa finals sina Alcantara at Rungkat nang mag-withdraw sa semifinals sina Southeast Asian Games doubles champion Sonchat Ratiwatana at Sanchai Ratiwatana ng Thailand dahil sa pagkamatay ng isang mi­yembro ng kanilang pamilya.

Matapos mabalitaan ang masamang nangyari, agad na lumipad patu­ngong Bangkok ang magkapatid na Ratiwatana.

Titipanin nina Alcantara at Rungkat sa finals ang mananalo sa pagitan nina Frederik Nielsen ng Denmark at Johan Brunstrom ng Sweden at Maximilian Neuchrist ng Austria at Divij Sharan ng India.

Show comments