Chiz sa PSC: Itodo ang suporta sa mga batang may tsansa sa Olympics
MANILA, Philippines – Habang unti-unting nagsasara ang pag-asa ng mga Filipino athetes para sa tiket sa 2016 Rio de Janeiro Olympic, hinikayat ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na bigyan ng Philippine Sports commission ng solidong suporta ang mga batang naghahangad na makasali sa naturang quadrennial event.
“We should give these athletes the chance to gain Olympic slots. Competition has become tougher through the years, but these are some of the youngest and the brightest among our sporting stars. They deserve to compete in the Summer Games and gain experience that would toughen them up in their next try,” wika ni Escudero.
Posibleng makapagpadala ng iilang atleta ang bansa sa Summer Games dahil tanging si Olongapo-born hurdler Eric Shauwn Cray ang nakakakuha pa lamang ng Olympic grade.
Nakamit ni Cray ang tiket sa Brazil nang maorasan ng 49.12 segundo sa men’s 400-meter hurdles noong Mayo na pumasa sa qualifying standard na 49.40 segundo.
Hind pa naman opisyal ang pagkakasama ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa leg ng Asian Championship sa Uzbekistan sa April.
Ang tatlong bronze medals ni Diaz sa International Weightlifting Federation World Championship sa Houston noong November ang nagbigay sa kanya ng karapatang lumahok sa Asian Championship.
Hindi naman kinilala ng International Olympic Committee (IOC) ang nakuhang puntos ni trap shooter Hagen Topaciosa Asian Shooting Championship sa Kuwait matapos bawiin ng IOC ang rekognisyon sa torneo bilang official Olympic qualifier dahil sa politika sa host country.
Ipinagkait ng Kuwaiti organizers ang pagbibigay ng visa sa isang Israeli participant na nagtulak sa IOC na bawiin ang pagkilala sa continental meet.
Bagama’t may dalawa nang tiket sa Rio Olympics, hiniling pa rin ng Philippine Olympic Committee (POC) sa mga sports officials na humingi ng wildcard bets para sa kanilang mga atleta.
- Latest