^

PSN Palaro

Pacquiao nagsimula nang magpaalam

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

BEVERLY HILLS, California – Sa loob ng isang ballroom na dinumog ng mediamen ay nagpahiwatig si Manny Pacquiao kung paano niya bibitawan ang kanyang retirement speech.

Muling inulit ni Pacquiao na ang kanyang April 9 showdown kay Timothy Bradley sa Las Vegas ang kanyang magiging pinakahuling laban.

Kasunod nito ay ang kanyang pagreretiro.

“Maybe this is our last time,” wika ni Pacquiao. “Maybe this is our last time to see each other. For the last time I want to thank you all. Without you I will not be here.”

Tatakbo si Pacquiao para sa isang Senator seat sa May 11 elections at sa ilang mga surveys ay sinasabing may tsansa siyang makuha ang isa sa 12 puwesto.

Kaya naman nagdesisyon na siyang magretiro sa boxing dahil kapag nanalo siya sa May elections ay hindi niya mapagsasabay ang pagiging Senator at boxer.

“I’m so happy I’m hanging up my gloves after this fight. I’m sure I will feel sad after that but that’s life,” wika ng Filipino world eight-division champion. “Not all the time you keep on fighting and not all the time you’re in the ring.  And I remember when I started I wanted to help my family, my mother. Now I end my boxing career because I want to help my countrymen, the Filipino people,” dagdag pa nito.

Kagaya ng kanyang mga nakaraang speeches, ito ay galing sa kanyang puso.

Naging emosyunal din si Bob Arum, ang greatest boxing promoter, nang ipakilala niya si Pacquiao sa una sa dalawang itinakdang press conference.

Sa Miyerkules ay magtutungo sina Pacquiao at Bradley sa New York para sa ikalawa nilang press event sa Madison Square Garden.

Ngunit umaasa pa rin ang Top Rank Promotions chief na ipagpapatuloy ni Pacquiao ang kanyang boxing career.

ACIRC

ANG

BOB ARUM

KANYANG

LAS VEGAS

MADISON SQUARE GARDEN

NEW YORK

NOW I

PACQUIAO

SA MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with