Landslide victory kay Morales; Hernandez dumalawa rin

MANILA, Philippines - Hinirang si businessman-sportsman Narciso O. Morales bilang runaway winner sa mga panalo at premyo sa hanay ng mga horseowners, habang mu­ling kinilala si jockey Jonathan Hernandez bilang kampeon sa nakaraang 2015 racing season.

Nagtala si Morales ng 137 first-place finishes kasama ang pitong panalo sa mga stakes at sweepstakes races at kumita ng kabuuang P22,691,125 premyo na kanyang unang naiposte noong 2013.

 “They (his people in the stable) did their homework well since Day 1 of last year’s season. This (being No. 1) was the product of their hard work,” wika ni Morales, hinirang ng local racing body bilang Most Reputable Horseowner awardee noong 2014.

Bumandera rin si Hernandez sa mga stakes races sa huling mga buwan ng 2015 para ungusan si Mark Alvarez sa jockeys division sa kabuuan niyang 182 tagumpay at P4, 541,042 premyo.

Sinabi rin ni Philracom chairman Andrew Sanchez na si Ruben Tupas ang nanguna sa trainers’ ca­tegory matapos maglista ng 238 panalo at prem­yong P4,304, 095.

Ang kabayong Low Pro­file ang nanguna sa na­hakot na P5,455,220 premyo at 12 panalo na kinabibilangan ng Ambassador Danding Cojuangco Cup at PCSO Anniversary race.

Beterano ng racing scene na may iba’t ibang ne­gosyo, nagtala rin si Morales ng 139 second, 138 third at 169 fourth place fi­nishes. Ang mga kaba­yong Juveniles Spectrum at Hot Dog at stayer Dikoridik Koridak ang mga naghatid ng panalo kay Morales.

Show comments