Bradley muling tatalunin ni Pacquiao - Roach

MANILA, Philippines – Bagama’t may bagong trainer ay hindi pa rin nagbabago ang istilo ni world welterweight titlist Timothy Bradley Jr. kaya inaasahan nang muli siyang tatalunin ni Manny Pacquiao sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ito ang pahayag ni Freddie Roach, ang chief trainer ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao, sa panayam ng BoxingScene.com.

“Nope (Bradley won’t be any different with Atlas), same guy,” wika ni Roach sa 33-anyos na si Bradley.

Matapos sibakin si trainer Joel Diaz noong Setyembre ay kinuha ni Bradley si Atlas para sa kanyang ninth-round technical knockout kay Brandon Rios noong Nobyembre para mapanatiling suot ang kanyang WBO welterweight title.

Naniniwala si Roach na walang bagong naituro si Atlas kay Bradley.

Si Atlas ang naging trainer nina dating world champions Michael Moo­rer, Barry McGuigan at Alexander Povetkin

Matapos ang ‘trilogy’ kay Bradley ay tututukan ng 37-anyos na si Pacquiao, dalawang beses naging Congressman ng Sarangani, ang kanyang kandidatura sa Senado.

Show comments