^

PSN Palaro

Collegiate basketball awards: Ravena, Oraeme babandera sa Mythical Five awardees

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan nina Most Valuable Players Kie­fer Ravena ng Ateneo de Manila University at  Allwell Oraeme ng Mapua Institute of Technology ang Collegiate Mythical Five awar­dees sa UAAP-NCAA Press Corps Collegiate Basketball Awards na ga­ganapin sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills.

Kasama nina Ravena at Oraeme sina Mac Belo ng Far Eastern University, Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas at Scottie Thompson ng University of Perpetual Help System Dalta.

Nasungkit ni Ravena ang kanyang ikalawang sunod na UAAP MVP award upang kahit papaano ay maging engrande ang pagtatapos ng kanyang college basketball career.

Sa kabilang banda, si Oraeme ang itinanghal na MVP at Rookie of the Year sa NCAA. Dinala niya sa Final Four ang Cardinals sa unang pagkakataon sapul noong 2010.

Naging katuwang naman ng Tamaraws si Belo para tuldukan ang isang dekadang pagkauhaw at makamit ang ika-20 titulo ng koponan sa liga habang si Ferrer ang runner-up sa MVP race.

Bagamat bigong dalhin ang kanyang tropa sa Final Four, matikas ang ipinamalas na husay ni Thompson sa nakalipas na taon kung saan halos mapantayan na nito ang kanyang MVP performance noong 2014.

Si Thompson ay kasalukuyan nang naglalaro sa PBA para sa Barangay Ginebra.

Makakasama ng Collegiate Mythical Five sa listahan ng mga awardees sina Nash Racela ng FEU at Aldin Ayo na dating Letran coach at kasalukuyan nang mentor ng De La Salle University, na siyang gagawaran ng Coach of the Year awards.

Pasok din sina Roger Pogoy ng FEU at Kevin Racal ng Letran para sa Pivotal Player award at sina Baser Amer ng San Beda College, Mark Cruz ng Letran at Mike Tolomia ng FEU para sa Super Senior honors.

ACIRC

ALDIN AYO

ALLWELL ORAEME

ANG

BARANGAY GINEBRA

BASER AMER

COACH OF THE YEAR

COLLEGIATE MYTHICAL FIVE

FINAL FOUR

LETRAN

RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with