^

PSN Palaro

Stepladder semifinals simula na Lady Altas, Lady Blazers laglagan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalarga ang stepladder semifinals ngayong araw tampok ang do-or-die match ng University of Perpetual Help System Dalta at College of Saint Benilde sa  91st NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Altas at Lady Blazers sa alas-4 ng hapon.

Nasungkit ng Perpetual Help ang No. 3 seeding tangan ang 7-2 rekord habang ang St. Benilde naman ay nahulog sa No. 4 tangan ang 6-3 marka.

Ang magwawagi sa pagitan ng Lady Altas at Lady Blazers ang siyang haharap sa defending champion Arellano University sa ikalawang yugto ng stepladder semis.

“We have no choice but to win and that’s what we’re hoping to accomplish,” sambit ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Hawak ng Lady Chiefs ang twice-to-bet advantage matapos kunin ang second seed sa pagtatapos ng eliminasyon hawak ang 8-1 marka.

Nauna nang umusad sa finals ang San Sebastian College na nakumpleto ang matamis na nine-game sweep.

Sa men’s division, paglalabanan ng San Beda College at Arellano University ang huling tiket sa Final Four sa kanilang bakbakan sa alas-2 ng hapon.

Magkasosyo sa ikaapat na puwesto ang Red Lions at Chiefs taglay ang parehong 5-4 marka.

Nauna nang pumasok sa Final Four ang reigning titlist Emilio Aguinaldo College (8-1), Perpetual Help (8-1) at College of Saint Benilde (7-2).

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF SAINT BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

LADY ALTAS

LADY BLAZERS

LADY CHIEFS

NAUNA

PERPETUAL HELP

RED LIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with