Richardson twins may tsansang makatakbo sa Rio
MANILA, Philippines – Kung maipagpapatuloy ni Fil-Am Kayla Richardson, ang pinakamabilis na babae sa nakaraang Southeast Asian Games at ng kanyang kakambal na si Kyla ang maganda nilang ipinapakita sa training ay may tsansa silang makatakbo sa darating na 2016 Rio Olympics.
Ito ay base sa pakikipag-usap ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella Juico sa father-coach ng kambal na si Jeff Richardson, nagsabing maaaring magtala ng mga bagong personal bests sina Kayla at Kyla sa 100-meter, 200-meter at 400-meter runs.
“According to Richardson, both girls have made improvements in strength and have been training with more emphasis on speed-power combination,” wika ni Juico.
Inoobserbahan ni Richardson ang 60 meter performances ng kambal at naniniwalang “they could eclipse the 11.29 second required in the 100 meters to qualify for the 2016 Olympics.”
Ang qualifying standard para sa women’s 200 meter run ay 23.20 segundo.
Posible namang hindi makasama ang 17-anyos na si Kayla sa Philippine delegation para sa Asian Indoor Athletics Championships sa Doha Qatar, isang Olympic qualifying event, dahil sa kanyang school obligations.
Napag-usapan din nina Juico at Richardson ang pagbubuo ng isang 4x100- meter team na tatarget ng tiket para sa Rio Olympics.
Ang quartet babanderahan ng Richardson twins at ni Zion Corrales-Nelson, nabigyan ng track scholarship ng University of Southern California.
Maghahanap ang PATAFA ng magiging ikaapat na miyembro ng grupo na dapat tumatakbo ng hindi bababa sa 12 segundo.
- Latest