MANILA, Philippines – Inilabas na ng Philippine Racing Commission ang kanilang maaksyong racing calendar para ngayong 2016 tampok ang mas maraming sponsored major races kumpara sa nakaraang mga taon.
Bubuksan ngPhilracom ang taon sa pamamagitan ng Commissioner’s Cup sa Jan. 17 sa Metroturf Racecourse.
Ang 1,800-meter race ay bukas sa lahat ng 4YO and older horses at may kabuuang premyong P1.2 milyon.
Isang bagong “4YO and older” stakes race ang nakaiskedyul naman sa Jan. 31 sa Santa Ana Park.
Ito ay ang bagong innovation ng kasalukuyang Commission sa ilalim ni chairman Andrew A. Sanchez.
“We anticipate that this new type of major race will attract more bettors because they provide opportunities for local horses to shine,” sabi ni Sanchez.
May pakakawalan ding “3YO Locally-Bred” stakes races ang Philracom, dagdag pa ni Sanchez.
Ang Pebrero ay mamarkahan ng Valentine’s Day event sa San Lazaro Leisure Park kung saan hahataw ang first leg ng Import-Local Challenge para sa 4YO and older horses.
Nakatakda naman ang Summer Racing Festival sa March 26 sa lahat ng racetracks kasama ang first leg ng inaabangang Triple Crown para sa elite local 3YO sa May 15 sa Santa Ana Park.
Ang 2016 racing year ay tatapusin sa pamamagitan ng Philracom Chairman’s Cup at ng 3YO Imported Fillies Championship sa Dec. 11.
May kabuuang 38 stakes races para sa 2016, kasama rito ang dalawa na gagawin sa Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial racing festival sa August.
Hindi kasama rito ang Philracom-sponsored stakes races para sa horseowners’ organizations MARHO, Philtobo at Klub Don Juan de Manila at ang mga charity races.