MANILA, Philippines – Nakipagtambal ang SM, sa pamamagitan ng kanilang entertainment arm na SM Lifestyle Entertainment Inc. (SMLEI), sa NBTC para suportahan ang pagpapalakas ng grassroots program nito sa pagtukoy sa mga basketball athletes na maaaring maging kinatawan ng Pilipinas sa global arena.
Higit pa sa monetary sponsorship, patitibayin ng SMLEI ang kamalayan at pagtulong sa NBTC.
“SM is very proud to support the NBTC,” sabi ni Edgar Tejerero, ang presidente ng SM Lifestyle Entertainment Inc.
Ang National Basketball Training Center Developmental League na pinamumunuan ni coach Eric Altamirano ay isang nationwide grassroots program na naghahangad na tukuyin, ihanda at sanayin ang mga outstanding players na madidiskubre sa public at private schools nationwide.
Magbibigay ang NBTC ng pagkakataon para sa mga players na pahusayin ang kanilang individual at team skills sa tulong ng mga magagaling na coaches at mga graduated players.
Kabilang sa mga alumni ng NBTC ay sina Kiefer Ravena, Terrence Romeo, Jeric Teng, Kevin Alas, Troy Rosario at Scottie Thompson.
Sisimulan ng NBTC ang kanilang local city tournaments ngayon.