^

PSN Palaro

SM susuportahan ang NBTC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakipagtambal ang SM, sa pamamagitan ng kanilang entertainment arm na SM Lifestyle Entertainment Inc. (SMLEI), sa NBTC para suportahan ang pagpapalakas ng grassroots program nito sa pagtukoy sa mga basketball athletes na maa­aring maging kinatawan ng Pilipinas sa global arena.

Higit pa sa monetary sponsorship, patitibayin ng SMLEI ang kamalayan at pagtulong sa NBTC.

“SM is very proud to support the NBTC,” sabi ni Edgar Tejerero, ang presidente ng SM Lifestyle Entertainment Inc.

Ang National Basketball Training Center Developmental League na pinamumunuan ni coach Eric Altamirano ay isang nationwide grassroots prog­ram na naghahangad na tukuyin, ihanda at sanayin ang mga outstanding pla­yers na madidiskubre sa public at private schools nationwide.

 Magbibigay ang NBTC ng pagkakataon para sa mga players na pahusayin ang kanilang individual at team skills sa tulong ng mga magagaling na coaches at mga graduated players.

Kabilang sa mga alum­ni ng NBTC ay sina Kiefer Ravena, Terrence Romeo, Jeric Teng, Kevin Alas, Troy Rosario at Scottie Thompson.

Sisimulan ng NBTC ang kanilang local city tournaments ngayon.

ACIRC

ANG

ANG NATIONAL BASKETBALL TRAINING CENTER DEVELOPMENTAL LEAGUE

EDGAR TEJERERO

ERIC ALTAMIRANO

JERIC TENG

KEVIN ALAS

KIEFER RAVENA

LIFESTYLE ENTERTAINMENT INC

SCOTTIE THOMPSON

TERRENCE ROMEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with