MANILA, Philippines – Hindi magiging madali ang makapagpapasok ng Filipino boxers sa 2016 Rio Olympics, ngunit umaasa si ABAP executive director Ed Picson na makakapagpadala sila ng anim na sasabak sa apat na qualifying events.
Nakatakda ang Asia/Oceania men’s tournament sa Qian’an, China sa March 23-April 3 kung saan tatlong tiket ang nakalatag para sa limang weight divisions na lalahukan ng mga Pinoy.
Ang limang weight divisions ay ang lightflyweight (49 kilograms), flyweight (52), bantamweight (56), lightweight (60), lightwelterweight (64) at welterweight (69).
Ang mga finalists at winners sa isang box-off sa pagitan ng mga semifinal losers sa bawat dibisyon ang makakalaro sa Rio Olympics.
Kasalukuyan nang pina-finalize ng ABAP ang Philippine lineup na lalahok sa Qian’an.
Ang tanging sure bet sa koponan ay si welterweight Eumir Marcial na nakapasok sa quarterfinals ng AIBA World Championships sa Doha noong October.
Natalo si Marcial kay Kazakhstan bet Daniyar Yelevssinov at nabigong makaabante sa medal round.
Kinuha naman ni Yelevssinov, pumitas ng gold medal noong 2010 Asian Games at 2013 AIBA World Championships, ang silver para makasali sa Rio Olympics.
Ang iba pang kandidato sa men’s divisions ay sina lightflyweights Rogen Ladon at Mark Anthony Barriga, flyweights Ian Clark Bautista at Rey Saludar, bantamweights Mario Fernandez at Mario Bautista, lightweights Charly Suarez at Junel Cantancio at lightweights Dennis Galvan at Joel Bacho.