4 tiket sa Rio Games puntirya ng Pinoy jins
MANILA, Philippines – Dalawang lalaki at dalawang babae ang gustong ipadala ng PhilippineTaekwondo Association (PTA) sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
At sa pamamagitan ng pamamahala sa Asian Olympic Qualification Tournament sa Abril 19-20 ay inaasahang mapapalakas ng PTA ang kanilang tsansang makapagpadala ng apat na atleta sa 2016 Rio Olympics.
“Of course, I want four (qualified jins) maximum,” wika ni PTA chief executive officer Sung Chon Hong. sa higit-kumulang sa 400 jins at team officials mula sa Asya na makikipag-agawan para sa 16 tiket sa 2016 Olympiad.
Aminado si Hong na mahihirapan ang mga Pinoy jins na makipagsabayan sa mga foreign athletes sa naturang qualifiers.
“Well, it’s 50-50 (chance) because this is a tough tournament, that’s why I’m hosting it. I hope to get four, if not, maybe three,” wika ni Hong sa pagpili ng PTA sa apat na Olympic aspirants mula sa kanilang national pool.
“All our athletes are very qualified but then it also depends on the luck of draw,” sabi ni Hong.
Ang 2016 qualifiers ay maaaring gawin ng PTA sa Grand Ball Room ng Marriott Hotel Manila at sa Cuneta Astrodome bilang possible venue.
Ang Asian Olympic Qualifiers ang una sa tatlong torneo na pamamahalaan ng PTA sa loob ng limang araw. Matapos ito ay idaraos naman nila ang Asian Taekwondo Championships at ang Asian Para Taekwondo Championships.
Sa debut ng taekwondo event sa Olympics noong 2000 ay isinabak ng PTA sina Roberto Cruz, Donnie Geisler, Eva Ditan at Jasmine Strachan matapos ang disenteng pagtatapos sa Asian qualifiers na pinamahalaan ng bansa noong 1999 sa Ninoy Aquino Stadium.
Muling lumaro si Geisler sa Olympics noong 2004 kasama sina Tshomlee Go at Toni Rivero at nagbalik sina Go at Rivero sa quadrennial event noong 2008.
Wala namang Pinoy na naisabak sa London Games dahil idinaos ang qualifying meet isang linggo matapos ang 2011 Southeast Asian Games.
- Latest