^

PSN Palaro

Tornadoes giniba ang dinastiya ng Blaze Spikers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matitinding paluan ang nasilayan sa muling pagbubukas ng Philippine Superliga Volleyball Tournament tampok ang pinaka-mahuhusay na manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Umarangkada ang Season 3 ng Superliga noong Mayo sa Cuneta Astrodome sa pagtataguyod ng All-Filipino Conference kung saan anim na koponan ang nagbakbakan sa pangunguna ng powerhouse Petron Blaze Spikers.

Napasakamay ng Blaze Spiker ang korona sa bisa ng matamis na 12-0 sweep kasama ang kanilang pagwalis sa Shopinas Lady Clickers sa best-of-three finals.

Magaan na itinarak ng Petron ang 25-18, 25-14, 25-19 panalo sa Game 1 bago kunin ang 25-17, 25-22, 28-30, 25-17 panalo sa Game 2.

Ibinigay kay Rachel Anne Daquis ang Conference MVP  award habang Best Middle Blo­ckers sina Dindin Manabat  at Aby Maraño at Best Libero si Jen Reyes.

Ang iba pang awards ay nakuha nina Cha Cruz ng Shopinas (First Best Outside Spiker), Patty Orendain ng Foton (Second Best Outside Hitter), Michelle Gumabao ng Philips Gold (Best Opposite Spiker) at Iris Tolenada ng Philips Gold (Best Setter).

Subalit iba ang naging kapalaran ng Petron sa Grand Prix matapos tibagin ng Foton Tornadoes  ang kanilang binubuong dinastiya.

Hindi naging madali ang daang tinahak ng Foton bago makuha ang inaasam na kampeonato.

Binanderahan nina imports Katie Messing at Lindsay Stalzer ang Tornadoes sa pagkuha ng 14-25, 25-21, 25-19, 25-22 come-from-behind win sa Game 1 para sa kampanteng 1-0 bentahe sa serye.

Ngunit isang matinding puwersa ang inilatag ng Blaze Spikers sa Game 2 sa pangunguna nina Manabat, Maraño at Brazilian imports Rupia Inck at Erika Adachi para maitabla ang serye sa pamamagitan ng 25-13, 25-21, 23-25, 26-24 panalo.

Sa do-or-die, mas determinadong Tornadoes ang lumabas para mabilis na tapusin ang Blaze Spikers sa iskor na 25-18, 25-18, 25-17 para matamis na hablutin ang kanilang unang korona sa liga.

Naiuwi ni Stalzer ang MVP trophy habang ang kaniang katropang sina Jaja Santiago at Ivy Perez ang ginawaran ng Second Best Middler Blocker at First Best Setter awards, ayon sa pagkakasunod.

First Best Outside Spiker si Ariel Usher ng Cignal, Best Outside Spiker si Bojana Todorovic ng Philips Gold, First Best Middle Blocker si Alexis Olgard ng Philips Gold, First Best Opposite Spiker si Gumabao, Second Best Opposite Spiker si Frances Molina ng Petron,  Second Best Setter si Adachi, Best Libero si Reyes at Coach of the Year si George Pascua ng Petron.

Dahil sa kampeonato sa Grand Prix, nakuha ng Foton ang karapatang katawanin ang bansa sa Asian Voleyball Confederation (AVC) Women’s Club Championship na gaganapin sa Manila sa susunod na taon.

ABY MARA

ALEXIS OLGARD

ANG

BEST

BEST LIBERO

BLAZE SPIKERS

FIRST BEST OUTSIDE SPIKER

FOTON

GRAND PRIX

PETRON

PHILIPS GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with