^

PSN Palaro

Volleyball Yearender: PLDT Home Ultera, Gorayeb dominado ang SVL Season 12

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluy-tuloy ang pag- a­ngat ng volleyball sa bansa - salamat sa Shakey’s V-League na siyang tunay na nagsimula upang maibalik ang ningning ng naturang sport.

Sa nakalipas na Season 12, tunay na umangat ang husay ng PLDT Home Ultera na siyang nakasungkit ng titulo sa Open Conference at Reinforced Conference.

Sa Open Conference, pinatumba ng PLDT Home Ultera ang Philippine Army sa bendisyon ng 2-1 panalo sa best-of-three championship series noong Abril.

Nakauna ang Lady Troopers nang kunin nito ang 13-25, 25-23, 27-25, 25-22 panalo sa Game 1 bago naitala ng Ultrafast Hitters ang 25-16, 25-22, 19-25, 25-16 panalo sa Game 2 at 25-22, 18-25, 24-26, 28-26, 15-13 sa Game 3.

Itinanghal na Most Va­luable Player sa naturang kumperensiya si Alyssa Valdez habang Finals MVP naman si Jaja Santiago.

Dinugtungan ng PLDT Home Ultera ang kanilang selebrasyon nang makuha nito ang kampeonato sa Reinforced Conference noong Oktubre.

Muling naging biktima ng Ultrafast Hitters ang Lady Troopers ngunit sa pag­kakataong ito, isang matamis na sweep ang itinarak ng PLDT sa best-of-three finals.

Binanderahan ni Valdez ang Ultrafast Hitters sa paghataw ng 16-25, 20-25, 26-24, 29-27, 18-16 panalo sa Game 1 at 25-21, 25-22, 22-25, 25-21 pananaig sa Game 2.

Nagtala ng average na 19.5 puntos si Valdez sa serye para makuha ang Finals MVP.

Sa Collegiate Con­­fe­rence, matamis na nabawi ng National University ang kampeonato nang itakas nito ang 2-1 panalo laban sa Ateneo de Manila University.

Matapos lumasap ng 19-25-, 13-25, 21-25 kabiguan sa Game 1, mas naging mabagis ang Lady Bulldogs nang iselyo nito ang 25-22, 25-17, 25-17 panalo sa Game 2 at 25-21, 26-24, 25-19 desisyon sa Game 3 para makuha ang kanilang ikalawang titulo sa liga.

Nasungkit ni Myla Pablo ang Finals MVP award samantalang si Valdez ang kinilalang Season MVP.

Umaasa ang pamunuan ng V-League na mabigyan ang mga tagasuporta ng liga ng mas magandang programa sa susunod na taon.

Pinakamalaking panalo sa taong ito ni coach Roger Gorayeb na siyang nagdala sa PLDT at NU sa kampeonato. Si Gorayeb ang kauna-unahang mentor na nakakuha ng tatlong sunod na korona sa isang season.

“This has been a banner year for Shakey’s V-League. We are now starting the groundwork for a grander and more exciting three-conference 13th season next year. We can’t offer any less. After all, it is in V-League where it all started,” pahayag ni Sports Vision President Ricky Palou.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

ANG

GAME

HOME ULTERA

JAJA SANTIAGO

LADY TROOPERS

REINFORCED CONFERENCE

ULTRAFAST HITTERS

V-LEAGUE

VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with