Referees inabsuwelto, Cone ibinato ang sisi sa tournament format

MANILA, Philippines – Hindi sinisi ni Ginebra San Miguel coach Tim Cone ang mga referees ukol sa pagkakasibak ng Gin Kings sa knockout stage ng 2016 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Cone, ang tournament format ang dahilan.

“In my humble opinion, I blame the format more than I blame any referee. I hope we do away with this format in the future,” wika ng Ginebra coach sa local sports portal Spin.ph.

Hinarap ng Ginebra ang Globalport sa one-game playoff noong Linggo kung saan ang mananalo ang lalaban sa Alaska Milk sa best-of-seven semis.

Naging dikitan ang laro hanggang makorner ng Gin Kings si Batang Pier guard Stanley Pringle sa harap ng table officials sa huling walong segundo.

Hindi binitawan ni Pringle ang bola sa pagtunog ng final buzzer para sa 84-83 panalo ng Globalport.

Ayon kay Cone, dapat tinawagan si Pringle ng ball-hogging (five-second) violation o backing violation.

Ang dalawa sa tatlong referees ay sinuspinde ni PBA commissioner Chito Narvasa sa kabuuan ng torneo o sa maximum na 21 playing days.

Inamin ng PBA ang kamalian ng referees nang hindi tumawag ng violation kay Pringle.

Sinabi ni Cone na ang torunament format ang dapat baguhin ng PBA para madetermina ang mas mahusay na koponan.

“Mostly, I just wish we didn’t have single knockout games in the playoffs,” wika ni Cone.

Lumabas siya ng Ginebra dugout na hindi kinakausap ang mga reporters.

“That kind of format doesn’t reward the best team – just the team who had the better shooting night, or the better referee’s call, or the luckier shot down the stretch,” pagtatapos ni Cone.

Show comments