^

PSN Palaro

Wade sinagip ang Miami Heat

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO, Fla. – Nang mangailangan ang Mia­mi Heat ng produksyon sa fourth quarter, hindi nagdalawang-isip si vete­ran guard Dwyane Wade.

Kumamada si Wade ng 12 sa kanyang 24 points sa huling limang mi­nuto ng final canto para tulungan ang Miami Heat sa 108-101 panalo kontra sa Magic.

Nagposte naman si Chris Bosh ng 24 points at 10 rebounds para sa ikat­long panalo ng Miami sa huling apat na laro, ka­sama rito ang 94-88 overtime victory kontra sa New Orleans Pelicans no­ong Christmas Day.

Tumipa si Goran Dragic ng 22 points, habang may 15 si reserve Gerald Green.

Naglista si Wade, ipagdiriwang ang kanyang ika-34 kaarawan sa Jan. 17, ng 7-for-12 fieldgoal shooting at perpektong 10-for-10 clip sa free throw line.

Nagdagdag din siya ng 6 assists.

“Obviously I understand the ball was going to be in my hand a lot (in the fourth quarter) and I understand what that might mean,” wi­ka ni Wade. “I kind of knew where my shots would come from and I got a couple to go, but more im­portantly, it was about being aggressive.”

Ang 3-pointer ni Green ang nagbigay sa Heat ng 82-81 abante sa huling wa­long minuto ng laro ka­su­nod ang mga drives at jum­pers ni Wade para sel­yuhan ang kanilang panalo sa Magic.

Sa Portland, umiskor naman si Allen Crabbe ng career-high na 26 points at nali­mitahan ng Trail Bla­zers si LeBron James sa 12 points para gibain ang Cleveland Cavaliers, 105-76.

Humugot si Crabbe ng 21 markers sa first half at ti­nulungan ang Portland (12-20) na tapusin ang kanilang five-game losing skid.

Nag-ambag si C.J. McCollum ng 16 points para sa Trail Blazers at kumolekta si Mason Plumlee ng 11 points at 14 rebounds.

Sa Phoenix, kinuha ng Phi­ladelphia 76ers ang kanilang ikalawang panalo sa season matapos talunin ang Suns, 111-104, sa li­kod ng 22 points ni Isaiah Ca­naan at 17 ni reserve Nik Stauskas.

Nag-ambag si Carl Lan­dry ng 16 points para wa­kasan ng Philadelphia (2-30) ang kanilang 12-game losing slump para sa kanilang unang panalo ma­tapos noong Dec. 1.

Pinigilan din ng 76ers ang kanilang 23-game road slide simula noong nakaraang season.

ACIRC

ALLEN CRABBE

ANG

CARL LAN

CHRIS BOSH

CHRISTMAS DAY

CLEVELAND CAVALIERS

DWYANE WADE

GERALD GREEN

POINTS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with