^

PSN Palaro

So laglag sa No. 2 matapos makipag-draw kay Giri

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa draw ang laban nina Filipino Grandmaster  Wesley So at GM Anish Giri ng Nether­lands sa fifth round sa pagpapatuloy ng 2015 Qatar Masters Open na ginaga­nap sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.

Napataas ng 22-anyos na si So ang kanyang iskor sa apat na puntos subalit hindi ito sapat upang manatili sa unahan ng standings.

Nahulog sa ikalawang puwesto si So kasama sina Giri, GM Sergey Karjakin ng Russia, GM Vladimir Kramnik ng Russia, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, GM Dariusz Swiercz ng Poland at GM Yu Yangyi ng China.

Nasolo ni GM Magnus Carlsen ng Norway ang solong liderato hawak ang 4.5 puntos.

Tinalo ni Carlsen si GM Li Chao ng China sa kanilang fifth-round game.

Nanaig si Karjakin laban kay GM Dubiv Daniil ng Russia, wagi si Kramnik sa kababayang si GM Maxim Matlakov ng Russia, namayani si Mamedyarov kay GM Denis Khismatullin ng Russia, ginapi ni Swiercz si GM Anton Korobov ng Ukraine, at pinayuko ni Yu ang katropang si Xu Yinglun ng China.

Sa sixth round, makakasagupa ni So si Carlesn habang maghaharap sa hiwalay na bakbakan sina Kramnik at Mamedyarov, Giri at GM Surya Shekhar Ganguly ng India, Karjakin at Swiercz at Li at Yu. (CCo)

ACIRC

ANISH GIRI

ANTON KOROBOV

ASPIRE ZONE

DARIUSZ SWIERCZ

DENIS KHISMATULLIN

DUBIV DANIIL

FILIPINO GRANDMASTER

GIRI

KARJAKIN

KRAMNIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with