^

PSN Palaro

Southeast Asian Games Yearender: Pilipinas isinalba ng boxing, athletics, billiards at taekwondo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos magkampeon noong 2005 edisyon ng Southeast Asian Games na ginanap sa Manila, tila napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa ni­to  sa rehiyon.

Patunay ang ikaanim na puwestong pagtatapos nito sa 2015 Southeast Asian Games na ginanap sa Singapore kung saan nag-uwi ng 29 ginto, 36 pilak at 66 tanso ang Pambansang koponan - malayo sa 112 gintong nakamit ng bansa may 10 taon na ang nakalilipas.

Salamat sa impresibong kampanya ng athletics at boxing na parehong nagbigay ng limang gintong medalya habang nag-ambag ng tigatlong ginto ang taekwondo at billiards na tunay na maaasahan sa mga international competitions.

Malaking sorpresa ang pagwalis ng triathlon sa da­lawang gintong nakataya rito.

Ibinigay ng dating Philippine Swimming League standout na si Maria Claire Adorna ang unang ginto ng Pilipinas sa naturang biennial meet nang pagreynahan ang women’s triathlon event.

Nakapagbigay din ng dalawang ginto ang softball, ha­bang tig-iisa naman ang wushu, tennis, sailing, shoo­ting, gymnastics, judo, rugby, cycling at ang basketball.

Bigong makakuha ng ginto ang swimming team na nagkasya lamang sa dalawang pilak at 11 tanso mula sa 38 gintong nakataya gayundin ang bowling, traditional boat race, fencing at archery na dati nang pinagkukunan ng ginto ng Pilipinas.

Itinanghal na overall champion ang Thailand tangan ang 95 ginto, 83 pilak at 69 tanso kasunod sa ikalawa ang Singapore (84-73-102), ikatlo ang Vietnam (73-53-60), ikaapat ang Malaysia (62-58-66) at ika-lima ang Indonesia (47-61-74).

Nasa ika-pito ang Myanmar (12-26-31), ika-walo ang Cambodia (1-5-9), ika-siyam ang Laos (0-4-25), ika-10 ang Brunei Darussalam (0-1-6) at ika-11 ang Timor-Leste (0-1-1).

Ngunit nagkaroon pa rin ng engrandeng selebrasyon ang Pilipinas nang angkinin nito ang gintong medalya sa men’s basketball na halos katumbas na ng pangkalaha­tang kampeonato dahil na rin sa lubos na pagmamahal ng mga Pilipino sa larong ito.

Pinatumba ng Sinag Pilipinas ang Indonesia sa bisa ng 72-64 panalo sa gold-medal match para mapanatili ang koronang ilang dekada na ring hawak ng Pinoy squad.

Umaasa ang mga atleta na mabigyan ng mga ito sa­pat na suporta mula sa gobyerno upang lubos na ma­paghandaan ang malalaking torneong lalahukan ng bansa sa mga susunod na taon partikular na ang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil at sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRUNEI DARUSSALAM

GINTO

KUALA LUMPUR

MARIA CLAIRE ADORNA

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

PILIPINAS

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with