Texters pinahigpit ang kapit sa top 6

Tinangkang supalpalin ni Dough Kramer (18) ng Globalport si Larry Fonacier ng Talk ‘N  Text sa PBA Philippine Cup. Joey Mendoza

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Barako Bull

vs Alaska

5:15 p.m. Rain or Shine

vs NLEX

 

MANILA, Philippines – Dahil sa kanyang back spasm ay hindi nakapag­laro si No. 1 overall pick Moala Tautuaa.

Sa kabila nito ay nagawa pa ring talunin ng Talk ‘N Text ang Globalport, 107-96 para lumapit sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumamada si point guard Jayson Castro ng 25 points, habang nagdagdag si No. 2 overall selection Troy Rosario ng 19 markers para sa 6-4 record ng Tropang Texters at makatabla ang Ginebra Gin Kings sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel Beermen (9-2), Rain or Shine Elasto Painters (8-2), Alaska Aces (8-2) at Batang Pier (7-4).

“We need to win this game hindi pa kasi namin alam kung saan kami pupuwesto,” sabi ni coach Jong Uichico. “Kailangan talaga itong panalo pero depende pa rin sa laro bukas then we’ll see.”

Sa tournament format, ang top two teams matapos ang eliminasyon ay mabibigyan ng automatic semifinals berths, habang ang pupuwesto sa No. 3, 4, 5 at 6 ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7 sa quarterfinals.

Kasabay ng pagsikwat sa mahalagang panalo ay winakasan din ng Talk ‘N Text ang four-game winning streak ng Globalport, nauna nang nakakuha ng ‘twice-to-beat’ bonus.

Mula sa nine-point lead, 53-44, sa halftime ay pinalobo ng Tropang Texters ang kanilang kalamangan sa 83-69 sa third period patungo sa pagpoposte ng 18-point advantage, 92-84, sa 8:56 minuto ng fourth quarter mula sa tres ni Castro.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Batang Pier.

Pinangunahan naman nina Stanley Pringle at Terrence Romeo ang Globalport sa kanilang tig-24 points kasunod ang 14 ni Joseph Yeo.

Kasaluku­yan pang nag­­la­laban ang Star Hotshots at Blackwater Elite habang sinusulat ito.

Talk ‘N Text 107 - Castro 25, Rosario 19, Aban 9, Carey 9, Fonacier 9, Seigle 9, Williams 7, Rosser 6, Reyes R. 6, Reyes J. 5, Miranda 3, Rodriguez 0.

Globalport 96 - Pringle 24, Romeo 24, Yeo 14, Semerad 9, Jensen 7, Mamaril 6, Kramer 6, Maierhofer 4, Washington 2, Isip 0, Paniamogan 0, Peña 0, Uyloan 0, Sumang 0.

Quarterscores: 15-22; 53-44; 83-69; 107-96.

Show comments