^

PSN Palaro

Semis papasukin na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama't natalo ang Alaska sa kanilang huling laro ay alam ni San Miguel coach Leo Austria ang kakayahan ng mga Aces.

“Going to the Alaska game, kailangan ma-match namin 'yung intensity nila,” sabi ni Austria. “Must win for them kasi a loss for them they'll be eliminated sa Top Two, so we have to be ready.”

Lalabanan ng nagde­depensang Beermen ang Aces ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Rain or Shine Elasto Painters at sibak nang Meralco Bolts sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyan sumasa­kay ang San Miguel sa se­ven-game winning streak, kasama ang 97-84 paggupo sa Talk 'N Text noong Disyembre 12, at hangad na makopo ang una sa dalawang outright semifinals berth.

Nagmula naman ang Alaska sa 105-111 pagkatalo sa Rain or Shine noong Disyembre 11 na pumigil sa kanilang apat na sunod na arangkada.

Sa naturang panalo sa Tropang Texters ay kumamada si one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng 30 points kasunod ang 22 ni back-to-back MVP June Mar Fajar­do, 21 ni Alex Cabagnot at 12 ni Chris Lutz.

Hindi naman nakaiskor si outside sniper Marcio Lassiter bunga ng dalawang beses pa lang nitong pakikipag-ensayo matapos ang dalawang linggong pagpapagaling ng kanyang injury.

Muli namang ipaparada ng Aces sina Cyrus Baguio, Calvin Abueva, JVee Casio, Sonny Thoss, Vic Manuel at Dondon Hontiveros.

Sa unang laro, palala­kasin ng Elasto Painters ang kanilang tsansa sa ikalawang outright semifinals seat sa pagharap sa Bolts.

“We look forward to playing NLEX and Meralco in our last two games, and hope to get the outright semis,” wika ni mentor Yeng Guiao sa kanyang Rain or Shine na sunod na lalabanan ang NLEX sa kanilang huling asignatura sa eliminasyon.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ANG

CALVIN ABUEVA

CHRIS LUTZ

CYRUS BAGUIO

DISYEMBRE

DONDON HONTIVEROS

ELASTO PAINTERS

JUNE MAR FAJAR

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with