Coaches dinagdagan din ang suweldo: National athletes masagana ang Pasko
MANILA, Philippines – Paldung-paldo ang Philippine Sports Commission ngayon.
Tatanggap ang mga National mainstays ng karagdagang P3,000 sa kanilang monthly allowances sa 2016.
Ito ang inihayag ng PSC kaugnay sa awtomatikong dagdag na P1,000 sa monthly allowance ng bawat national athlete, habang ang P2,000 ay idedeposito sa isang “trust fund” na kanilang makukuha sa retirement.
“We thought it’s about time to increase the basic allowances of athletes,” sabi ni Garcia. “Out of the P3,000 (total increase), P2,000 of that will be deposited to a certain account that can only be withdrawn when an athlete retires. So if for example, he will retire in three years he’ll get P72,000 from the said account. That’s not counting the interest the account will earn,” dagdag pa ni Garcia.
Tatanggap naman ang mga coaches ng karagdagang P5,000 monthy pay.
“They will have a P5,000 increase in salary across the board. There won’t be forced savings on the part of the coaches as we believe they need the money more and most of them are qualified to get pensions already,” ani Garcia.
Ngayong Christmas season ay bibigyan ng PSC ang mga miyembro ng Team Philippines ng isang “13th month” bonus.
Sa mga nakaraang taon ay tumatanggap ang mga athletes at coaches ng P3,000 bilang Christmas bonus mula sa PSC.
“Employees in companies and government agencies receive a 13th month pay so decided to do the same for the athletes,” ani Garcia.
- Latest