^

PSN Palaro

Tinakasan ang Grizzlies: Heat isinalba ng jumper ni Wade

Pilipino Star Ngayon

MIAMI – Naibaon ng 16 points at naghabol sa kabuuan ng second half na maaaring magpalasap sa kanila ng ikaapat na sunod na kamalasan, nasa seryosong panganib ang Heat.

Hanggang isalpak ni Dwyane Wade ang kanyang jumper sa huling 21.9 segundo na lubhang kinailangan ng Miami.

Bumangon ang Heat mula sa 16-point deficit  para payukurin ang Memphis Grizzlies, 100-97.

“Dwyane’s uncanny,” sabi ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra.

Tinapos ng Miami ang kanilang three-game slide na tinampukan ng 22 points ni Chris Bosh kasunod ang 16 ni Gerald Green at 15 ni Luol Deng.

“I knew the ball’s going to be in my hands ... and I was able to get a couple things to go,”  wika ni Wade na nagtala ng 14 markers.

Ang nasabing jumper ni Wade ang nagbigay sa Heat ng one-point lead at sinelyuhan ni Justise Winslow ang kanilang panalo mula sa dalawang free throws.

Tumipa naman si Jeff Green ng season-high 26 points sa panig ng Grizzlies, habang nagtala si starter Matt Barnes ng 13 points at 13  rebounds.

Nagdagdag si dating Heat guard Mario Chalmers ng 12 para sa Memphis, hinulugan ng Miami ng 11-0 bomba sa huling 2:34 minuto ng fourth quarter.

 

ANG

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

FIL-AM HEAT

GERALD GREEN

JEFF GREEN

JUSTISE WINSLOW

LUOL DENG

MARIO CHALMERS

MATT BARNES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with