^

PSN Palaro

Donaire ikakasa na ni Arum sa malaking laban

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukod kay two-time Olympic Games gold medalist Guillermo Rigondeaux ay isa rin si mandatory challenger Mexican-American fighter Jessie Magdaleno sa puwedeng labanan ni world super bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr.

Ito ang dalawang laban na tinitingnan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa World Boxing Organization super bantamweight champion na si Donaire.

“Now he’s back on top, he’s a champion,” sabi ni Arum. “We’re gonna build from there. Hopefully, we’ll have some real big fights for him next year”.

Tinakasan ni Donaire (35-3-0, 23 KOs) si Mexican Cesar Juarez (17-4-0, 13 KOs) via unanimous decision para angkinin ang nabakanteng WBO belt kamakalawa sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

Ang naturang korona ay tinanggal ng WBO kay Rigondeaux (16-0-0, 10 KOs)  nang hindi lumaban sa loob ng 11 buwan.

Sinabi ni Donaire na handa siyang itaya ang kanyang titulo laban kina Juarez at Rigondeaux sa isang rematch sa susunod na taon.

Ngunit bago ito mangyari ay kailangan munang pagalingin ng tubong Talibon, Bohol ang kanyang foot injury na nangyari sa fourth round ng kanilang laban ni Juarez matapos niyang matapakan ang referee.

“Ang problema doon is I can’t be on my toes, so I can’t use my power,” wika ni Donaire, hinirang na 2012 Fighter of the Year matapos magkakasunod na talunin sina Wilfredo Vasquez  Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.

ACIRC

ANG

BOB ARUM

COLISEO ROBERTO CLEMENTE

DONAIRE

DONAIRE JR.

FIGHTER OF THE YEAR

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEAUX

JEFFREY MATHEBULA

JESSIE MAGDALENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with