Humataw si Lastimosa

Tila nakadikit sa mukha ni John Paul Erram ng Blackwater ang bola habang  nag-aabang naman  sa ilalim si JC Intal ng Barako Bull sa aksyong ito sa PBA Philippine Cup. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Tila ayaw pang magpahinga ni Carlo Lastimosa nang magdesisyon si coach Leo Isaac na iupo siya sa huling 58 segundo ng fourth quarter.

Para kay Isaac, sapat na ang ipinukol ni Lastimosa na career-high na 38 points para matulu­ngan ang Blackwater na pabagsakin ang Barako Bull, 116-92, sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang nasabing panalo ang pumigil sa limang sunod na kamalasan ng Elite (2-7) para buhayin ang kanilang pag-asa sa huling quarterfinals berth.

“We kept telling them about the importance of our remaining games,” sabi ni Isaac, nakahugot ng 21 points kay rookie Arthur Dela Cruz kasunod ang 15 markers ni Bambam Gamalinda.

Kailangang talunin ng Blakcwater ang Star at ang Mahindra sa dalawa nilang huling laro para masikwat ang No. 10 ticket sa quarterfinals.

Sa tournament format, ang Top Two teams matapos ang elimination round ang mabibigyan ng outright Final Four, habang ang No. 3, 4, 5 at 6 squads ay kukuha ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Matapos makalapit ang Energy (4-5) sa 83-93 sa 5:23 minuto ng final canto ay nagtuwang sina Lastimosa at Dela Cruz sa inihulog na 23-6 bomba para ibigay sa Elite ang 27-point advantage, 116-89, sa hu­ling 1:08 minuto.

Kasama sa nasabing arangkada ng Blackwater ang tatlong sunod na tres ni Lastimosa.

Pinamunuan ni Willy Wilson ang Energy sa kanyang 23 points kasunod ang 17 ni Josh Urbiztondo na nagsalpak ng limang tres sa fourth period.

Blackwater 116 -- Lastimosa 38, Dela Cruz 21, Gamalinda 15, Cortez 9, Golla 9, Erram 6, Reyes 5, Cervantes 4, Sena 4, Vosotros 3, Canada 2, Agovida 0, Ballesteros 0.

Barako Bull 92 -- Wilson 23, Urbiztondo 17, Fortuna 13, Pennisi 10, Lanete 6, Brondial 5, Forrester 4, Intal 4, Monfort 4, Baracael 2, Caperal 2, Miranda 2,.

Quarterscores: 26-12; 56-37; 81-66; 116-92.

 

Show comments