MANILA, Philippines – Naging duwelo ang fourth quarter sa pagitan ng dating pinakamagaling na point guard sa PBA at ng sumisikat na playmaker.
Ngunit sa huli naipanalo ni Terrence Romeo ang Globalport para talunin ang Meralco ni Alapag, 108-104, at patibayin ang paghahabol sa ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tumapos si Romeo na may 33 points, tampok ang 5-of-10 shooting sa three-point range at 6-for-6 clip sa free throw line, para sa pangatlong sunod na ratsada ng Batang Pier (6-3).
Nagsalpak naman si Alapag ng apat na tres sa final canto para sa kanyang 18 points sa panig ng nasibak nang Bolts (1-9).
“At least ‘yung objective ng team ay nakuha na namin and at least nasa No, 3, 4 or 5 spot kami,” sabi ni coach Pido Jarencio. “Going to the playoffs, kailangan strong finish kami dito sa eliminations.”
Nang iposte ng Globalport ang 24-point lead, 80-56, sa third period mula sa triple ni Romeo ay nakabangon ang Meralco nang agawin ang unahan, 96-94, sa huling tatlong minuto ng fourth quarter.
Kumamada naman si Stanley Pringle ng dalawang tres bukod sa 3-point play ni Doug Kramer para muling iangat ang Batang Pier sa 103-96.
Ang tres ni Alapag ang muling nagdikit sa Bolts sa 104-105 sa huling 18.5 segundo.
Sinelyuhan naman ni Romeo ang panalo ng Globalport sa kanyang dalawang free throws sa natitirang 16.3 segundo.
Globalport 108 - Romeo 33, Pringle 19, Washington 15, Mamaril 8, Yeo 8, Jensen 7, Kramer 7, Maierhofer 6, Sumang 3, Semerad 2.
Meralco104 - Alapag 18, Hodge 17, Newsome 13, Nabong 13, Hugnatan 12, Faundo 11, David 8, Buenafe 7, Dillinger 4, Caram 1, Al-Hussaini 0, Amer 0.
Quarterscores: 26-22; 55-44; 87-73; 108-104.