^

PSN Palaro

Beermen itatagay ang outright semifinals berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa mainit na five-game winning streak, ta­tangkain ng Beermen na makopo ang unang outright semifinals ticket, ha­bang magpapalakas na­man ang Batang Pier pa­ra sa Top Two.

Lalabanan ng nagde­depensang San Miguel ang NLEX ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pag­haharap ng Globalport at Meralco sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nanggaling ang Beermen sa 102-86 paglampa­so sa Mahindra noong Dis­yembre 2 kung saan kumolekta si back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng 35 points, 12 rebounds, 3 blocks, 2 assists at 1 steal.

Inaasahang makakatapat ni Fajardo sa shaded lane si Road Warriors ve­teran center Asi Taulava.

Umiskor ang 42-anyos na si Taulava ng 29 points sa 90-96 pagyukod ng NLEX sa Globalport noong nakaraang Miyerkules.

Sa tournament format, ang Top Two teams matapos ang elimination round ang makakasikwat ng outright Final Four, habang ang No. 3, 4, 5 at 6 squads ay magdadala ng 'twice-to-beat' advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Kasalukuyang magka­sosyo sa liderato ang San Miguel at Alaska sa magkatulad nilang 7-1 record kasunod ang Rain or Shine (6-2), Globalport (5-3), Talk ‘N Text (5-3), Barangay Ginebra (5-4), Barako Bull (4-4), NLEX (4-4), Star (3-6), Mahindra (2-7), Blackwater (1-7) at Mahindra (1-8).

Bukod kay Fajardo, aa­sahan din ng Beermen sina one-time PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross katapat sina Taulava, Sean Anthony, Jonas Villa­nueva, Mac Cardona at Ri­co Villanueva ng Road Warriors.

Sa unang laro, pupuntiryahin naman ng Batang Pier ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pag­ha­rap sa Meralco, nasa three-game losing skid.

“At least hindi na tayo na­wawala sa quarterfinals ngayon. Medyo steady na ‘yung team pero marami pa kailangan ma-improve,” sabi ni Globalport coach Pi­do Jarencio.

Muling babanderahan nina Terrence Romeo at Stanley Pringle ang Batang Pier laban kina one-time PBA MVP Jimmy Alapag at Gary David ng Bolts.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ANG

BATANG PIER

BEERMEN

GLOBALPORT

MAHINDRA

ROAD WARRIORS

SAN MIGUEL

SHY

TOP TWO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with