^

PSN Palaro

Williams mahal ang mga Pinoy fans

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang isang ga­bi at dalawang laro, muling binuhay ni tennis superstar Serena Williams ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga Filipino sports fans sa 2015 IPTL Manila leg.

Nakipagtambal ang Ame­rican superstar kay Fil-American Treat Huey sa mixed doubles at hina­rap si Ana Ivanovic sa women’s singles sa Mall of Asia Arena noong Linggo ng gabi.

Nagbigay siya ng 1-1 win-loss para sa Philippine Mavericks makaraang matalo sa doubles match at manalo sa singles.

Ngunit hindi ito iniisip ng kanyang mga fans na wa­lang tigil sa pagsigaw sa kanyang pangalan sa ve­nue.

“I’m so glad to be here,” sabi ni Williams sa pana­yam ng media men.

Naglaro na si Williams sa Manila noong nakaraang taon sa IPTL ngunit sa ibang koponan siya ku­mampanya.

Subalit ngayon ay ginagabayan niya ang Philippine Mavericks na nagtala ng 2-1 record.

Narito siyang muli para manalo sa kanyang mga la­ro at sa puso ng mga P­inoy fans

“That’s why I’m here again,” wika ni Williams, nakatakdang labanan kagabi si Kurumi Nara ng Japan Warriors at sumabak sa mixed doubles katambal si Milos Raonic.

Ayon kay Serena, hindi niya makakalimutan ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Filipino fans noong nakaraang taon.

“I really had fun last year. I love the crowd here. I’m so excited playing for the Philippine Mavericks. It really feels good to be back here. I’m so glad,” ani Williams.

Sa breaks ng laro no­ong Linggo ay sumayaw si Williams sa ipinatugtog na musika ng resident DJ ng IPTL.

“I had wonderful reception last year and this year even more. It felt really good,” sabi ni Williams.

ACIRC

ANA IVANOVIC

FIL-AMERICAN TREAT HUEY

JAPAN WARRIORS

KURUMI NARA

LINGGO

MALL OF ASIA ARENA

MILOS RAONIC

PHILIPPINE MAVERICKS

SERENA WILLIAMS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with