MANILA, Philippines – Bukod sa pagsikwat sa quarterfinal seat ay unti-unti na ring naaayos ng Talk ‘N Text ang kanilang problema sa depensa.
Ipinakita nila ito nang pabagsakin ang Rain or Shine, 95-85 kung saan nila sinimulan ang laro sa 17-0 sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“We give some credit to our defense naman. We came out playing hard defense naman unlike other games,” sabi ni coach Jong Uichico sa kanyang Tropang Texters na may 5-3 record ngayon katabla ang Globalport sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel (7-1), Alaska (7-1) at Rain or Shine (6-3).
Binuksan ng Talk ‘N Text ang laro sa 17-0 bago kunin ang 23-point lead, 50-27, sa halftime at iwanan ang Rain or Shine sa 93-78 sa huling 1:46 minuto ng fourth quarter.
Umiskor si No. 1 overall pick Moala Tautuaa ng 27 points at 7 rebounds para banderahan ang Tropang Texters kasunod ang 19 ni No. 2 overall selection Troy Rosario.
Sa unang laro, kumamada si veteran guard Mark Barroca ng 26 points para tulungan ang Star (3-6) sa 104-96 paggupo sa Mahindra (2-7).
“This victory won’t be possible without the commitment of the players. These players, napakasuwerte nila na biniyayaan sila ng talent,” wika ni Hotshots’ rookie coach Jason Webb.
Tinapos ng Star, nakahugot kay Alex Mallari ng 20 markers kasunod ang 15 ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap, 11 ni PJ Simon at 10 ni Jake Pascual, ang kanilang four-game losing skid.
Pinangunahan naman ni Aldrech Ramos ang Enforcers sa kanyang 25 points kasunod ang 24 ni Karl Dehesa at 11 ni Kyle Pascual.
STAR 104 - Barroca 26, Mallari 20, Yap 15, Simon 11, Pascual J. 10, Taha 6, Pingris 5, Sangalang 4, Melton 3, Cruz 2, Torres 2.
Mahindra 96 - Ramos 26, Dehesa 24, Pascual 11, Canaleta 8, Guinto 8, Yee 8, Revilla 5, Digregorio 4, Hubalde 2, Alvarez 0, Pinto 0, Webb 0.
Quarterscores: 24-18; 46-42; 73-69; 104-96.
Talk ‘N Text 95 - Tautuaa 27, Rosario 19, Fonacier 9, Castro 9, Rosser 8, Reyes R. 8, Carey 4, Miranda 4, Williams 4, Aban 3, Reyes J. 0.
Rain or Shine 85 - Quiñahan 21, Chan 15, Cruz 14, Almazan 13, Ahanmisi 8, Trollano 5, Belga 3, Nimes 2, Norwood 2, Matias 1, Tiu 1, Ibañes 0, Ponferada 0.
Quarterscores: 34-11; 50-27; 70-54; 95-85.