ANGELES, Pampanga, Philippines – Hangad ni Rafael Poliquit ang kanyang ikalawang sunod na korona, habang target ni Mary Joy Tabal ang kanyang pangatlong sunod na titulo.
Ito ang parehong layunin nina Poliquit at Tabal sa paghataw ng National Finals ng 39th Milo Marathon ngayong umaga rito.
Sa 2014 National Finals ay nagtala ang 25-anyos na si Poliquit ng bilis na dalawang oras, 32 minuto at 26 segundo para pagharian ang men’s 42.195-kilometer race sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Tinalo niya si five-time Milo Marathon King EduardoBuenavista na nagposte ng oras na 02:34:17 kasunod si Erinio Raquin (02:35:48).
Pipilitin naman ni Tabal na makapagtala ng bagong record at asam na maipagtanggol ang kanyang suot na Milo Marathon Queen title sa ikatlong sunod na taon.
Noong nakaraang taon ay nagtala ang 25-anyos na si Tabal ng bilis na 02:51:52.
Ang tatanghaling Milo Marathon King at Queen ay ipapadala sa USA para sa tsang makalahok sa 2016 Boston Marathon.