^

PSN Palaro

Pelicans diniskaril ang Cavs

Pilipino Star Ngayon

NEW ORLEANS – Ma­­tapos malampasan ng New Orleans ang ratsada ni LeBron James sa fourth quarter at makapuwersa ng  overtime, hinila ni injured ve­­teran center Kendrick Perkins si Pelicans teammate Anthony Davis at bi­nulungan.

“Perk told me, ‘This is the time where you’ve got to be great,’” sabi ni Davis kay Perkins. “Every time I caught the ball, I was looking to be aggressive and teammates were looking for me. ... So it was just about me knocking down the shots.”

Nagsalpak si Davis ng tatlong jump shots sa pagsisimula ng overtime para tumapos na may 31 points, 12 rebounds at 4 steals sa 114-108 panalo ng Pelicans kontra sa Cleveland Ca­valiers ni James.

Nagdagdag si Eric Gordon ng 19 points kasunod ang 18 ni Ryan Anderson para sa Pelicans (5-15) na nagtala ng 13-point lead sa huling 7 minuto sa fourth quarter.

Bumangon naman ang Cavs sa likod ng 21 points ni James.

Ang triple ni Jrue Holiday ang nagtabla sa New Or­leans sa Cleveland sa 105-105 sa huling 8 segundo kasunod ang mintis na jumper ni James, tumapos na may 37 points, patungo sa overtime.

Ang jumper ni Dante Cunningham ang nagbigay sa Pelicans ng 94-81 bentahe sa 6:52 minuto ng fourth period hanggang mag-init si James at ibigay sa Cavaliers ang 105-102 abante.

Nagdagdag si J.R. Smith ng 18 points sa panig ng Cleveland mula sa kanyang 6-of-13 3-point shoo­ting, habang nagtala si Kevin Love ng 15 points at 10 re­bounds.

Sa Dallas, umiskor si James Harden ng 25 points pa­ra igiya ang Houston Rockets sa 100-96 panalo la­ban sa Mavericks.

Naglista si Harden, naimintis ang una niyang 11 ti­rada sa kanilang home loss sa Dallas noong Oktubre ay nagtala ng 3-of-12 shooting sa first half bago kumamada ng 7-of-11 sa second half.

Kasama rito ang kanyang jumper sa huling apat na segundo na nagbigay sa Rockets ng four-point lead.

Sa Atlanta, kumamada si Al Horford ng 16 points, ha­bang nagdagdag sina Paul Millsap at Kent Bazemore ng tig-15 markers para tulungan ang Hawks sa 100-87 paggiba sa Los Angeles Lakers na dumiskaril sa pi­nakahuling laro ni Kobe Bryant sa Atlanta.

Tumapos si Bryant na may 14 points mula sa 4-for-19 fieldgoal shooting.

Pinamunuan naman ni Lou Williams ang Lakers sa 18 points.

Sa Washington, tumipa si Bradley Beal ng 34 points at may 18 markers si Ramon Sessions para pagbidahan ang Wizards sa 109-106  pagtakas sa Phoenix Suns.

Nagposte naman si Eric Bledsoe ng 22 points kasu­nod ang 19 ni Brandon Knight sa panig ng Suns.

May 1-3 marka ngayon ang Suns sa six-game trip.

ACIRC

AL HORFORD

ANG

ANTHONY DAVIS

BRADLEY BEAL

BRANDON KNIGHT

CLEVELAND CA

DANTE CUNNINGHAM

ERIC BLEDSOE

POINTS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with