Toquero sasagupa sa Chinese pride
MANILA, Philippines – Iwawagayway ni flyweight Eugene Toquero ang bandila ng Pilipinas sa pakikipagbakbakan kay Wu Ze ng China sa One: Spirit of Champions na idaraos sa Disyembre 11 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang salpukan nina Toquero at Wu ang pangunahing undercard sa duwelo nina Brandon “The Truth” Vera at Chi “Chopper” Lewis-Parry.
Hawak ni Toquero ang 7-2) record, habang si Wu ay nagtataglay ng 3-2 baraha.
Nagsimulang lumaban si Toquero noong 2013 nang matalo sa kababayang si Geje Eustaquio.
Subalit tiniyak ni Toquero na mas magiging handa siya sa ikalawang pagsalang matapos patumbahin si Gianni Subba ng Malaysia.
Pinasuko rin ni Toquero si Brianata Rosadhi noong Abril.
“I like to come in fast and powerful. Finishing on the feet has always been my priority, because I think it produces the most exciting knockouts,” sabi ni Toquero.
- Latest