^

PSN Palaro

Mojdeh tututukan sa pagpapakawalasa 87th PSL National Series ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtatagisan ang pi­nakamahuhusay na bagitong tankers sa bansa sa pagpapakawala sa 87th Philippine Swimming League (PSL) National Series - 8th Sen. Nikki Coseteng Swimming Championship na magsisimula ngayong araw sa Diliman College swimming pool sa Quezon City.

May 300 kalahok ang nagkumpirma ng partisipasyon kung saan target ng mga ito na makakuha ng puwesto sa bubuuing national team.

Ang mabubuong koponan ang isasabak sa malalaking international tournaments kabilang na ang 2017 Summer World University Games sa Chinese-Taipei.

Pinaghahandaan din ng PSL ang pagsabak sa 2016 Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia, Phuket Invitational Swimming Championship sa Thailand, Japan Spring Swimming Championship sa Tokyo at sa Hong Kong Stingrays Invitational Swimming Meet.

“Ngayon pa lang gusto na namin makabuo ng team para makapaghanda ang mga bata dahil ma­lalaking tournaments ang pupuntahan ng PSL sa susunod na taon and we want them to be 100 percent prepared both men­tally and physically,” pa­hayag ni PSL president Susan Papa.

Nangunguna sa lista­han si Indian Ocean All-Star Challenge gold me­dalist Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Pa­rañaque na inaasahang dodominahin ang girls’ 9 years-old event, habang sa­sabak din sina Sean Te­­rence Zamora, Paul Christian King Cusing, Cha­rize Juliana Esmero, Kyla Soguilon, Marc Bryan Dula at Angelo Macaraig.

Bibigyan ng medalya ang tatlong mangungunang swimmers sa bawat kategorya, habang gagawaran ng tropeo ang mga tatanghaling Most Outstanding Swimmers sa kani-kaniyang age band.

Ang dalawang swimmers (isang babae at isang lalaki) na may pi­na­kamataas na Internatio­nal Swimming Fede­ra­tion (FINA) points ang ma­bibiyayaan ng P1,500 pa­prem­yo kasama ang Presidential Trophy.

Hangad ng PSL na maipagpatuloy ang ma­gandang kampanya nito sa international tournaments, ayon kay Papa.

Nanggaling ang ko­po­nan sa impresibong ratsada sa Japan Fall Swimming Championship kamakailan kung saan sila humakot ng 39 me­dalya tampok ang 19 ginto.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELO MACARAIG

DILIMAN COLLEGE

HONG KONG STINGRAYS INVITATIONAL SWIMMING MEET

IMMACULATE HEART OF MARY COLLEGE-PA

INDIAN OCEAN ALL-STAR CHALLENGE

JAPAN FALL SWIMMING CHAMPIONSHIP

JAPAN SPRING SWIMMING CHAMPIONSHIP

SHY

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with