MANILA, Philippines - Mas pinahalagahan ng Racal/lKeramix ang kanilang pangangailangan sa big man kesa sa isang Fil-American guard.
Kinuha ng Mixers si dating 6-foot-4 La Salle center Jayson Perkins bilang No. 1 overall pick sa 2015 PBA D-League Rookie Draft kahapon.
“We need stability at the post. His presence practically solved our concern,” sabi ni coach Caloy Garcia kay Perkins na natulungan ang Green Archers sa paghahari sa UAAP noong 2010.
Bukod kay Perkins, pinili rin ng Racal/Keramix si Jordan Rios sa second round.
Hinugot naman ng AMA Computer Online Education si Fil-Am guard Julian Sargent, kakampi ni Perkins sa Green Archers, bilang kanilang first round pick, habang pinili ng Tanduay Light si Ateneo guard Von Rolfe Pessumal bilang No. 3 pick at kinuha ng Foundation Cup champion Café France si Jason Statham na nasa protected list ng Bakers.
Ang iba pang napili sa first round ay sina Fil-Am Avery Scherer (Wangs Basketball), NBA D-League veteran Mike Williams (Mindanao Aguilas), Amar Agustin (UP/Jam Liner) at Richard Escoto (Phoenix Petrolium).
Kinuha lamang ng Phoenix Petrolium ang kanilang dalawang protected players at hindi sumali sa draft ang National University-BDO. Ang Far Eastern University Tamaraws ang itatampok ng Phoenix sa liga na magsisimula sa Enero 26, 2016.