Salud nag-resign

MANILA, Philippines - Nabigla ang PBA Board of Governors nang isumite ni league president at CEO Chito Salud ang kanyang resignation letter matapos pangunahan ang delegasyon na nagtampok sa isang legends’ game sa New Zealand.

“There are many possibilities but I can’t say yet what will happen. We have to hear first the proposals and recommendations of the governors,” sabi kahapon ni board chairman Robert Non.

Kaya naman isang special meeting ang itinakda ng PBA Board bukas para talakayin ang naturang pagbibitiw ni Salud.

Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng biglaang desisyon ni Salud, pinalitan ni Chito Narvasa bilang PBA Commissioner bago ang 41st season.

“I can only guess he might feel he’s useless during a PBA season. He presides in the planning session but takes the backseat when the season starts,” wika ng isang PBA governor.

 Nakumpleto ni Salud ang kanyang pang-limang termino bilang ika-walong PBA Commissioner matapos palitan si Sonny Barrios noong 2010.

Show comments