^

PSN Palaro

Curry, Green binitbit ang Warriors sa 17-dikit na panalo

Pilipino Star Ngayon

PHOENIX — Kumamada si Stephen Curry ng 41 points sa tatlong quarters, habang nagtala si Draymond Green ng triple-double at tinalo ng Golden State Warriors ang Phoenix Suns, 135-116, para palawigin ang kanilang NBA-record start sa 17-0.

Naglista rin ang Warriors ng isang fran­chise mark para sa 3-pointers sa isinalpak na 22, isang agwat lamang ang kulang para sa league record, mula sa 38 attempts.

Umiskor si Curry ng season-high na siyam sa kanyang 16 attempts sa long range para sa kanyang ika-14 career 40-point game kung saan ang lima rito ay ngayong season.

Kumolekta naman si Green ng 14 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang pangatlong career triple-double, ang dalawa ay ngayong season.

Tumapos si Klay Thompson na may 15 markers para sa Warriors.

Itinala ng Warriors, nasa kanilang highest-scoring game sa season, ang isa pang NBA mark matapos kumonekta ng 15  3-pointers (sa 20 attempts) sa first half. Nagdagdag si Leandro Barbosa ng 21 points mula sa 8-of-9 shooting, kasama rito ang 5-for-5 sa 3-point line.

Umiskor naman si T.J. Warren ng career-high 28 points para sa Suns, nalasap ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan, habang nag-ambag sina Brandon Knight at Eric Bledsoe ng tig-21 points.

Kaagad kinuha ng Golden State ang 20-point lead sa first quarter at hindi na ito napaliit ng Phoenix.

Sa iba pang laro, tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Charlotte Bobcats, 95-90; binigo ng Orlando Magic ang Milwaukee Bucks, 114-90; pinatumba ng Boston Celtics ang Washington Wizards, 111-78; dinaig ng Miami Heat ang New York Knicks, 97-78; pinahiya ng Indiana Pa­cers ang Chicago Bulls, 104-92; tinakasan ng Houston Rockets ang Philadelphia 76ers, 116-114; sinapawan ng Atlanta Hawks ang Memphis Grizzlies, 116-101; pinabagsak ng Oklahoma City Thunder ang Detroit Pistons, 103-87; inungusan ng San Antonio Spurs ang Denver Nuggets, 91-80; pinasadsad ng Minnesota Timberwolves ang Sacramento Kings, 101-91 at tinalo ng LA Clippers ang New Orleans Pelicans, 111-90.

ACIRC

ANG

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

BRANDON KNIGHT

CHARLOTTE BOBCATS

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

DRAYMOND GREEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with