Villanueva titiyakin ang panalo vs Mendez
LAPU-LAPU CITY, Philippines--Makaraan ang kanyang pagkatalo sa world title fight sa El Paso, Texas noong Hulyo ay magbabalik si “King” Arthur Villanueva sa ibabaw ng boxing ring sa pagsagupa kay Victor Mendez ng Mexico ngayong gabi rito sa Hoops Dome.
Nagtala ang tubong Bago City ng malinis na 27-0 win-loss record at nagkaroon ng tsansang hamunin si McJoe Arroyo ng Puerto Rico para sa IBF bantamweight crown.
Ngunit nagkaroon ng putok si Villanueva sa kaagahan ng naturang laban na nagpuwersa sa referee na ihinto ang laban niya kay Arroyo sa 10th round.
Matapos ang official weigh-in kahapon para sa Pinoy Pride 34 sa Gaisano Mall ay ikinuwento ng 26-anyos na si Villanueva ang kanyang kabiguang makuha ang world title.
“Boxing is boxing. Maybe it’s not my time yet to be world champion,” sabi ni Villanueva na nahirapang kunin ang tamang timbang laban kay Mendez.
Tumimbang si Villanueva ng bigat na 115 1/2 pounds na sobra sa WBC International super flyweight contest kumpara sa eksaktong 115 pounds ni Mendez.
Matapos ang weigh-in ay sinamahan niya ang kanyang mga kasamang boxers na sina Milan Melindo, AJ Banal at Kevin “KJ” Cataraja sa backstage para uminom ng tubig.
- Latest